Okay! Katahimikan. Hahahaha! Valentine's day na bukas. Semi kinakabahan ako. Di ko alam kung bakit. May bibigyan kasi ako ng regalo eh. Sana magustuhan nya. Eefortan ko yun ng malala.
Ano ang laman ng regalo ko:
Isang tie-dye shirt-andun ang favorite nyang kulay
Isang box ng Rainbow Nerds-matagal na nyang hinihingi sakin yan. Isang taon na
Isang greeting card-ilalabas ko ang saluobin ko dun
May nabili nga pala ako kaninang notebook. Yung design eh ang iba't ibang relationship status. Ang cute lang kaya binili ko na. Pero di ko ipangreregalo yun ah. Akin yun. Haha!
Kelangan ba ng karelasyon para icelebrate ang naturang araw? Di naman eh. As long as you are in a good company, ok na yun. Darating ang tamang tao para samahan kang icelebrate ang araw na ito.
Sa mga kaibigan kong may kadate, goodluck sa inyo at sana ienjoy nyo.
Sa mga kaibigan kong wala, magsama-sama tayo
At para sa taong pinakamamahal ko, mahal na mahal kita.
2/13/12
Out of love?
Posted by La-la-i-ne at 20:55
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment