BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

2/11/12

34th OLOPSC Foundation week

Grumaduate ako sa OLOPSC nung 2009, since then di na ako bumalik sa Alma Mater ko. Pero kanina, naaya ako ng tita ko na pumunta sa OLOPSC kasi magfefield demo si Ryo. Sa di malamang kadahilanan, pumayag ako. Pagpasok na pagpasok ko, andaming pinagbago ng school ko. Gaganda na ng mga facilities. Lumawak at child-friendly na ang environment. Una kong nakita yung guard, nagHi sa akin. Oh wow, naaalala pa nya ako. Hahaha! Tas si Sir Pascual. Ang CSD ng 4th year nung batch namin. Si sir kasi eh may photographic memory kaya naalala pa nya ako. Then nakita ko rin si Mr. Tagle o yun nga ba ang apelyido. Hahahahaha! Nakalimutan ko na pero si sir naaalala pa ako. So nagkausap lang ng saglit. Tinanong nya kung anong year ko na. Sabi ko 3rd year tas hinabol ko pa ng "proof yan na tumatanda ka na". Hahahahaha! Ay kabastos na bata. Haha!

Yhen, sila Ryo na ang sasayaw edi pumwesto na kami. Tas nung prinesent na sila "Our 1st performers, the UMBRELLA WARRIORS!". Natawa yung mga estudyante. Kahit ako natawa. Halatang yung teacher na in charge ang nag-isip. Tas after ngperformance. Nag-ikot muna kami ni tita. Tas may napansin akong stall. "CelebriTEA: a drink with star quality" I was like "oh, milktea HOORAY!" tas nakita ko yung may-ari. Sina Lizel! Yung classmate ko nung 4th year na naging kaibigan ko. Napabili tuloy ako ng wala sa oras. Infairness, masarap sya. Pwedeng ipantapat sa Mooonleaf. Tas habang inaantay si Ryo, mag umakbay sa akin. Pagtingin ko, si Antonio Cruz! Grabe, in 3 years, andaming nagbago sa kanya. Hahaha! Lumaki sya. Nakakatuwa lang.

Yung pagpunta ko kanina sa school ay isang Imbey na araw. I miss the days when I'm a deadkid and life was so simple. Di tulad ngayon. Hahaha! Nagdrama? Di naman. :D

0 comments: