BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

2/25/12

One hell of a week!

Kakatapos lang ng SF namin at. . . . rektahan! Ang saya lang though napagod kaming lahat ng bongga. Erk. Anyways, nagsimula ang week na semi di maganda kasi naman, umulan ng bongga. Kala ko nga madedelay ng isang araw di naman pala. Then balak ko di talaga ako tutulong kasi naman di naman sila nagtatanong o nagbibigay ng instructions eh pero nung nafeel ko na kelangan na nila ako (wow ah! importante?), eh tumulong na ako. Nakakaaliw lang yun magaannounce ka mula sa table at nakamic pa. Wahahahaha adik lang sa mic.

Then, makapaghost ako. OMG lang! Hahahaha! Nasabihan lang ako 2 hours before the event at sira pa tiyan ko. Ewww, gross! Pero nakakatuwa kasi nalabanan ko ang pagkautal ko pag kinakabahan. First time ko yun infront of PSBA crowd kasi usually sina Jov at Kmae ang sinasalang eh mukhang busy sila kaya kami ni Akiko ang pinagawa nun. Nakakahiya pa suot ko kasi naka shorts at black shirt lang ako. Buti na lang naka sneaks ako. Kasi nga short notice. Hahahahaha! Tsaka semi madami nagcompliment sakin na ok naman ang hosting stint ko. Salamat kay Ate Sheng sa make-up, kay Akiko para sa iba pang spiels, kay Puse na sigaw ng sigaw, kay Manong Joey para sagutin ang tinanong sakin na "bakit ka ginawa?". Natawa ako sa sagot "para kay carlos kasi gutom na sya". Hahahahahaha! Infairness, ang ganda ni Jen dun at nawala ang blemishes ni Benj sa muk-ap. Hahahahaha! Tsaka Galing ng G1 talaga!!!!!!!!! Woooohhhhhooooooo! Go KAVIN!!!!!!!!!!!! Hahahahaha! Tsaka ng DAGS din. Hahaha!

Then kakatapos lang kanina nung concert ng Parokya ng Edgar. Ay grabe lang ang hirap namin ah! Kala ko onti lang bumili ng tickets. Kinabahan ako. Pero swear ang saya. Rakrakan lang with them. Nasa stage pa ako. Oha! Katabi ko lang si Gab habang naggigitara. Saya!!!!!!

Ok magpopost ako ng pics sa susunod. Pagod na ako eh. Sensya na. Hihi

Salamat po sa suporta.

0 comments: