BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

8/20/11

MagicJack and Penong's

Ganito kasi yun. Nung Thursday, inaya ako ni Benj na pumunta sa bahay nina Hansel this Saturday para makausap. So kanina kinocontact ko si Benj. Tas sabi nya mauna na ako. So punta naman ako, then kumatok tas semi nagulat si Tita. Then tinawagan nya si Hansel. MYGAWD~!!!!!!!! Nakausap ko rin sya. Natuwa talaga ako nun ng bongga! Tas dumating na si Benj tas sumunod sina faith at kristine. Grabe, alam mo yung feeling na katabi mo lang si hansel. Yun ang pakiramdam ko kanina. As is heaven talaga. Salamat talaga sa MagicJack sa bahay nina Hansel. Salamat talaga. Solution ka! Ikaw na!

Pumasok ako kanina kahit na wala akong class kasi nafefeel ko na may mangyayaring maganda. Tama nga ako. Nagkaayaan sa Penong's sa may Legarda. Penong's originally came from davao. They serve grilled foods as well as viands. Di dapat sasama si Carlos nun kasi wala syang pera. Then sabi ko kina mommy isama na, ako na bahala sa kanya. Wahaha. Sumakay si Carlos pero di nya alam na ililibre ko sya. Nung andun na kami. Isang malaking WTF! ang nasabi namin. Alam mo kung bakit? Sarado na. Nung kinausap namin yung manager, sabi nya pwede pa pero di na maluluto yung grilled food. Yung mga ulam na lang. So pumayag na kami. Nung nasa loob na kami. Nagtanung si Papa Carlos "uy, sino sagot sakin?". Lahat sila nagtinginan sakin. tas nagthank you sya. Tawa kami ng tawa na parang ewan. hahahaha! Pero swear. Ang sarap ng inorder namin. Binagoongan, Lechong kawali, Pinakbet, Sisig, Pancit, Chopseuy, Kilawing Tuna at ang super sarap na Fruits and Cream. Grabe, laughtrip habang kumakain at ang the best part, ang FRANCHESKA 101. Dami kong nalaman.

Imbey na araw dahil Hell Week na. Oh yeah.

0 comments: