BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

8/2/11

690 days

What's with the title? Kinwenta ko ang mga araw mula nung magkakilala kami hanggang sa last day nya dito sa Pinas.

Do I need to retype kung pano kami nagkakilala at pano ako nainlove? Di no.

Sasabihin ko dito ang huling pagkikita namin kagabi. Brace yourselves for the ultimate drama. Wahahaha!

Usapan kasi namin ni Kavin 6pm ang labasa ko sa school so by 7, magkikita na kami. Eh almost 8pm na kami nagkita so sakay na ng jeep. Nung pagbaba namin, I was really holding my tears to fall. Tas I was so scared at that moment kaya niyaya ko si Kavin para maglakad lakad muna then nung ok na ko, pumunta na kami. Nanginginig talaga ako. Tas onting kwentuhan chenes chenes. Nakita ko nga pala yung ibibigay ni Kavin. Yun ang EFFORT. Pero sir, idea ko yan eh. Pinirate mo. Then lumipat kami dun sa may videoke na food hub (sosyal, food hub). Nagkantahan sila. Mas lalong pinigilan ko ang pag iyak kasi

-Nagtext si mama na umuwi na ako
-Kinanta nya yung Chasing Cars
-Stressed dahil sa AKADEME

So nung nagpaalam nako sa kanya, naging sweet pa rin sya. Pinasakay muna nila ako ni Kavin. Una di ako umiiyak. Cool lang ako. Si Hansel ang umiiyak. He'll gonna miss us daw. Dun ako semi naluha pero di sya tumulo. Kumakanta pa nga ako eh. Nung lumabas yung kapatid ni Hansel na si Sheena na umiiyak, lumapit at niyakap ako. Shet. Dun na. May pumatak na. Naghahabilin ako kay Mumay na maging good girl, sumunod sa mga kapatid nya, alagaan nila ang isa't-isa. Tas nung pumara nako ng trike, I hugged Kavin first then nung niyakap ko na si Hansel, my gawd, umiyak nako ng tuluyan. I hugged him as tight as I could. Eto ang naalala ko na sinabi ko habang kayakap sya

"Shet! 5 years pa? 5 years! Antagal nun. Mamimiss kita. Alam kong magkikita pa tayo pero matagal pa yun eh. Hayaan mo, bibisitahin kita dun. Swear."

Nag group hug kaming tatlo. habang kayakap ko ang dalawang importanteng lalaki sa buhay ko (besides my dad, kuya, Ryo.....), naisip ko kung gaano ko talaga mamimiss ang mga pinagsamahan namin. Kung paano nila akong asarin. Kung paano nila ako patawanin. Kwentuhan, lakaran. Kami. panay sabi ko dun sa driver na sandali lang po. hahaha

Nung pagsakay ko, umiiyak pa rin ako. Di ko alam kung masaya ako o may di ako nagawa. Habang binabagtas ng driver ang daanan patungo sa aming bahay, parang gusto kong sabihin na "manong, balik po tayo dun". Gusto kong bumalik at ulitin lahat. Lahat lahat. Pero di pwede. Kelangan kong pakawalan ang emosyon ko. Pagkauwi ko, kinamusta ako ni mama. kahit di ko sabihin, alam nyang malungkot ako. Paghiga ko sa kama, umiyak ulit ako. Pero di yung hagulgol ah. sakto lang. Di talaga ako makatulog nun. Naisip ko ngang sumama sa paghatid eh pero baka masaktan ko lang sarili ko. Sabi ko nga sa sarili ko, tatawag ako pag 5am na. Nagising ako ng 5, pero di ko naisip na tumawag. Nung 7am, sinubukan kong tumawag sa kanya, baka sakaling madelay ang flight nila kasi ampangit ng panahon pero isang malamig na boses ang narinig ko "The subscriber's cannot be reach. Please try again later.". Bang, naiyak ako. Again, I blew my chance to hear his voice for the last time. Bakit ko pa kasi naisip na bumalik sa higaan instead na pindutin ang num nya at tawagan. Bakit ang tanga ko? :(.

Pinilit ko pa rin pumasok kanina kahit na maulan. Day 1. Unang araw na walang Hansel Kendrick sa Bahay nila sa Maroon cor. Rainbow. Unang araw ng endless thoughts of him. Unang araw ko sa pag asang magkita ulit kami. Sana singiksi ng 690 days ang paghihintay ko. Sana lang.

Ingatan mo yung mga binigay ko ah. Iingatan ko ang binigay mo sakin. Wag mong lilimutin na nandito lang ako.

After 690 days, I'll go back to the start.

Maybe nahanap ko na ang good sa goodbye. Alam kong masaya sya ngayon. Masaya na rin ako para sa kanya.

Namimiss lang talaga kita ng sobra.

Bye. :'(

0 comments: