BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

8/29/11

You and I

Napaisip ako. Ikaw at ako. Imposible. You dont even like me. I like you kasi mabait ka. Iba ka.

Shet. Crimson wave is coming. Bye.

8/28/11

Barahan, AKADEME style

Warning: reader's discretion is advised

Uso kasi samin yung barahan na bastos. Swear. Kahit ako ginagawa ko yan. Yung usual na pambara namin eh, teka bastos to ah, PUKI MO! See.

Me: shut up nga JC!
JC: Puki mo!
Me: Quiqui ko selyado!

Yung quiqui naman eh gay slang for. vagina. Read as KIKI. Gets?

Basta marami pa eh. Hahahahaha

Sorry kung medyo bastos.

Heck

Dapat pala. Puta ka! Nakakairita ka!

Sorry sa pagmumura eh

Basta. Next time ko na ipopost kasi baka kung ano pa matype ko.

8/27/11

Mean

Kanta yan ni Taylor Swift.

People these days are somehow mean.

Alam mo yung feeling na since bata ka pa lang, ikaw na ang tampulan ng tukso kasi you are different. kasi nung bata ako, ako lang yung mukhang foreigner sa section namin. Tas nung HS, tampulan pa rin. Ngayong college lang ako nakakabawi.

I swear. Yayaman ako at sasaya. Tipong di mo na ako masasaktan.

Victory: Friday Night Youth

Last night, pumunta ako sa pinagmamalaking FNY ni Carlos (na naman) sa may Rob Metro East. May binigay syang conditions sakin. He said kung nagenjoy ako, balik daw ako pero pag nacornihan ako, wag na daw ako bumalik. Andaling kausap ni Papa Carlos. Akala ko yumg tipo nun eh conventional na boring ta service. Boy I was so wrong. Pagpasok namin dun, may spotligt, trobe lights, music is on. Take note, yung pinapatugtog nila habang nagaantay eh pangdisco. Ang cool. Tas nakakatuwqa yung mga tao dun. Hi ng Hi. Tas si Carlos ikot ng ikot. Natatawa sakin sina Jason at Michael kasi parang na awestruck ako sa lugar at sa mga nangyayari. Tas Carlos kept asking me kung ok lang ako. Oo lang ako ng oo pero sa loob loob ko sinasabi ko na ok ako kasi kasama kita. WOOOHOOO! Tas nakilala ko yung younger sis nya. Si Mara. Grabe ang cute nya. Tas madaldal din pero walang tatalo sa kadaldalan ni Carlos. Sabay kaming umuwi nina Mara at Carlos with others. OH MY GOSH! Kinilig ako bigla. Nyahahahaha!

Sige aaminin ko, sumama ako kasi gusto kong malaman ang buhay ni Carlos sa labas ng school. Alam ko kung sumama ako, I'll get a sneak peek to it. Kung may plano man ako (wahaha, ano kaya yun), I have to know his terms. Oh dear.... Here we go again.

Salamat Carlos. Isa kang HULOG NG LANGIT sa akin.

8/20/11

MagicJack and Penong's

Ganito kasi yun. Nung Thursday, inaya ako ni Benj na pumunta sa bahay nina Hansel this Saturday para makausap. So kanina kinocontact ko si Benj. Tas sabi nya mauna na ako. So punta naman ako, then kumatok tas semi nagulat si Tita. Then tinawagan nya si Hansel. MYGAWD~!!!!!!!! Nakausap ko rin sya. Natuwa talaga ako nun ng bongga! Tas dumating na si Benj tas sumunod sina faith at kristine. Grabe, alam mo yung feeling na katabi mo lang si hansel. Yun ang pakiramdam ko kanina. As is heaven talaga. Salamat talaga sa MagicJack sa bahay nina Hansel. Salamat talaga. Solution ka! Ikaw na!

Pumasok ako kanina kahit na wala akong class kasi nafefeel ko na may mangyayaring maganda. Tama nga ako. Nagkaayaan sa Penong's sa may Legarda. Penong's originally came from davao. They serve grilled foods as well as viands. Di dapat sasama si Carlos nun kasi wala syang pera. Then sabi ko kina mommy isama na, ako na bahala sa kanya. Wahaha. Sumakay si Carlos pero di nya alam na ililibre ko sya. Nung andun na kami. Isang malaking WTF! ang nasabi namin. Alam mo kung bakit? Sarado na. Nung kinausap namin yung manager, sabi nya pwede pa pero di na maluluto yung grilled food. Yung mga ulam na lang. So pumayag na kami. Nung nasa loob na kami. Nagtanung si Papa Carlos "uy, sino sagot sakin?". Lahat sila nagtinginan sakin. tas nagthank you sya. Tawa kami ng tawa na parang ewan. hahahaha! Pero swear. Ang sarap ng inorder namin. Binagoongan, Lechong kawali, Pinakbet, Sisig, Pancit, Chopseuy, Kilawing Tuna at ang super sarap na Fruits and Cream. Grabe, laughtrip habang kumakain at ang the best part, ang FRANCHESKA 101. Dami kong nalaman.

Imbey na araw dahil Hell Week na. Oh yeah.

8/19/11

Midterms

Yeah! It's QC day and there are no classes in QC area. Hooray! Pero I have to study for my upcoming Midterms. I have 2 Departmental and 5 Don-Departmental Exams scheduled this coming week. Talk about rigid reviewing. Nakakaloka lang teh! Pero kaya ko to. Ako pa? Anong silbi ng mga notes at libro ko kaya aral to the max ako ngayon.

May tanong lang ako sa sarili ko. Di to school-related. Uhm, how will I say this? uhm. Wait. Yeah. Uhm. Never mind. Hahahahaha! Basta andami eh. MindFUDGE (uy, di nako makapagmura dahil kay Carlos). hahaha!

8/18/11

The show goes on

Thanks to Lupe Fiasco for giving me a song to sing along. Hahahaha

Medyo kinakabahan ako sa mga mangyayari sakin. Pero kaya ko to.

Here we go again

Alam mo yung feeling na napapalapit sya sa iba? Bang, nafefeel ko ngayon yun. Nyemas. Ayoko ng ganto. Nagiging BERDE ako. Putek.

Alam kong healthy sa tao ang makihalobilo sa iba pero bakit ako "magseselos"? Like duh? Haha! Ako din naman busy eh tas may inaasikaso pa sya pero alam mo yung namimiss nyo yung kayong dalawa lang. Bonding to the max. Walang tigil na tawanan. Ganun.

Haaaaay.

8/13/11

AKADEME TEAM

1 month of training. Almost 2 weeks of campaigning. 1 grueling day of Elections. Outcome, 9-1. Yes honey, we rule the SC. Hahahahaha!

Sino mag-aakala na siyam ang makakapasok sa council? Kahit kami di namin inasahan yun. Grabe, who would have thought that Carlos can beat the crap out of Lie and so the rest of the team. I'm so proud like a proud mama. Haha~!

Kasi nung training, andami nilang pinagdaanan samin. Andun nung niloloko ko sila pag marketing themselves. Yung tipong aasarin mo kasi kasama yan sa mga mangyayari sa kaila. Tas andami pa.

Nung presentation, we didn't expect na marami ang susuporta samin kasi nga di kami ang ruling party sa council. Pero dahil siguro sa charm na dala namin (oo, kasama ako. wag ka ng mangealam), marami kaming nahakot.

RTR ang pinakamadugo. Kasi ba naman, yung mga kandidato namin, kung sansan napapadpad. Ang gugulo pero mababait yan. Tas yung mga kailangang ayusin. FOOD. Tas yung mga campaign materials! SUSME. Akala ko di kami magkakatarp kasi ba naman wala kaming pera. So nagfund raising kami thru "akademe apparel". hahahaah! Daming bumili eh. Tas yung mga pakulo namin na jingle, pito at vuvuzuelas. Grabe din nung MITING DE AVANCE. Nakaka overwhelm ang suporta nila. Nakakaiyak din ang energy.

Tas kahapon Eday, ako ata pinakangarag kasi ako ang LOGISTICS kaya nakaassign sakin ang mga tao sa paligid. Nakakatawa sa HQ namin kasi may feeding program kami. hahahahaha! Tas yung lumabas ang final polls ng unang precint, shet! Lamang kami!

9-1. Si 1st yr rep lang ang di nakasama. Pero oks, lang. Kami ang majority.

Mula sa partidong may tunay at makataong serbisyo, maraming salamat sa inyo.

8/9/11

Do I?

Do I sound pathetic?

Pinapakinggan ko ngayon yung Lonely ng 2NE1. Naiyak nga ako eh. Siguro yun talaga nafefeel ko ngayon eh. I'm so lonely kahit napapalibutan ako ng tao.

Shet bat ang emo ko? Dapat masaya ako ngayon.

8/6/11

Busy as a bee

I mean super busy. Since nung nagstart ang campaign period eto na ang naging sched ko

6am- gigising
9-10am - dapat nasa school nako

tas kung san san mo ko makikita kasama ang mga candidates ko para sa RTR, courtesy calls, at kung ano ano pa. Namimiss na nga ako ni May eh. Sabi ko onting tiis na lang. Minsan lang naman to eh.

Medyo ok sakin to kasi kahit sandali, nalilimutan ko na may kaibigan pala akong umalis at di ko pa nakakausap. Pero pano na pag natapos na to, mamimiss ko na naman sya.

Sana manalo partido namin para lagi nakong busy ulit. Para mabilis ang paglayas ni lungkot at "miss" sa akin. Sana. Please manalo kami.

Yan muna. Dami ko pang gagawin eh

8/2/11

690 days

What's with the title? Kinwenta ko ang mga araw mula nung magkakilala kami hanggang sa last day nya dito sa Pinas.

Do I need to retype kung pano kami nagkakilala at pano ako nainlove? Di no.

Sasabihin ko dito ang huling pagkikita namin kagabi. Brace yourselves for the ultimate drama. Wahahaha!

Usapan kasi namin ni Kavin 6pm ang labasa ko sa school so by 7, magkikita na kami. Eh almost 8pm na kami nagkita so sakay na ng jeep. Nung pagbaba namin, I was really holding my tears to fall. Tas I was so scared at that moment kaya niyaya ko si Kavin para maglakad lakad muna then nung ok na ko, pumunta na kami. Nanginginig talaga ako. Tas onting kwentuhan chenes chenes. Nakita ko nga pala yung ibibigay ni Kavin. Yun ang EFFORT. Pero sir, idea ko yan eh. Pinirate mo. Then lumipat kami dun sa may videoke na food hub (sosyal, food hub). Nagkantahan sila. Mas lalong pinigilan ko ang pag iyak kasi

-Nagtext si mama na umuwi na ako
-Kinanta nya yung Chasing Cars
-Stressed dahil sa AKADEME

So nung nagpaalam nako sa kanya, naging sweet pa rin sya. Pinasakay muna nila ako ni Kavin. Una di ako umiiyak. Cool lang ako. Si Hansel ang umiiyak. He'll gonna miss us daw. Dun ako semi naluha pero di sya tumulo. Kumakanta pa nga ako eh. Nung lumabas yung kapatid ni Hansel na si Sheena na umiiyak, lumapit at niyakap ako. Shet. Dun na. May pumatak na. Naghahabilin ako kay Mumay na maging good girl, sumunod sa mga kapatid nya, alagaan nila ang isa't-isa. Tas nung pumara nako ng trike, I hugged Kavin first then nung niyakap ko na si Hansel, my gawd, umiyak nako ng tuluyan. I hugged him as tight as I could. Eto ang naalala ko na sinabi ko habang kayakap sya

"Shet! 5 years pa? 5 years! Antagal nun. Mamimiss kita. Alam kong magkikita pa tayo pero matagal pa yun eh. Hayaan mo, bibisitahin kita dun. Swear."

Nag group hug kaming tatlo. habang kayakap ko ang dalawang importanteng lalaki sa buhay ko (besides my dad, kuya, Ryo.....), naisip ko kung gaano ko talaga mamimiss ang mga pinagsamahan namin. Kung paano nila akong asarin. Kung paano nila ako patawanin. Kwentuhan, lakaran. Kami. panay sabi ko dun sa driver na sandali lang po. hahaha

Nung pagsakay ko, umiiyak pa rin ako. Di ko alam kung masaya ako o may di ako nagawa. Habang binabagtas ng driver ang daanan patungo sa aming bahay, parang gusto kong sabihin na "manong, balik po tayo dun". Gusto kong bumalik at ulitin lahat. Lahat lahat. Pero di pwede. Kelangan kong pakawalan ang emosyon ko. Pagkauwi ko, kinamusta ako ni mama. kahit di ko sabihin, alam nyang malungkot ako. Paghiga ko sa kama, umiyak ulit ako. Pero di yung hagulgol ah. sakto lang. Di talaga ako makatulog nun. Naisip ko ngang sumama sa paghatid eh pero baka masaktan ko lang sarili ko. Sabi ko nga sa sarili ko, tatawag ako pag 5am na. Nagising ako ng 5, pero di ko naisip na tumawag. Nung 7am, sinubukan kong tumawag sa kanya, baka sakaling madelay ang flight nila kasi ampangit ng panahon pero isang malamig na boses ang narinig ko "The subscriber's cannot be reach. Please try again later.". Bang, naiyak ako. Again, I blew my chance to hear his voice for the last time. Bakit ko pa kasi naisip na bumalik sa higaan instead na pindutin ang num nya at tawagan. Bakit ang tanga ko? :(.

Pinilit ko pa rin pumasok kanina kahit na maulan. Day 1. Unang araw na walang Hansel Kendrick sa Bahay nila sa Maroon cor. Rainbow. Unang araw ng endless thoughts of him. Unang araw ko sa pag asang magkita ulit kami. Sana singiksi ng 690 days ang paghihintay ko. Sana lang.

Ingatan mo yung mga binigay ko ah. Iingatan ko ang binigay mo sakin. Wag mong lilimutin na nandito lang ako.

After 690 days, I'll go back to the start.

Maybe nahanap ko na ang good sa goodbye. Alam kong masaya sya ngayon. Masaya na rin ako para sa kanya.

Namimiss lang talaga kita ng sobra.

Bye. :'(