after 1 year and 16 days. Tumigil na ako. Hindi ko na sya mahal.
Bakit ako tinigil? Simple lang, what's the point of loving someone kung sya mismo di ka man lang pinapahalagaan? Yun lang. Your arguement is invalid.
Ako lang ang nasiyahan, kinilig, naiyak, natakot at nalungkot sa aming dalawa. Sabi nga ni Kavin, ako lang ang active. Akala ko nga nun baka may pag-asa ako kahit na alam kong gusto nya si Mish. akala ko he also feels the same way. akala ko sya na ang lalaki para sa akin. puro ako akala. di ko man lang inisip ang realidad. umasa ako, di ko nakita ang signs.
i dont want to drown myself in tears kaya nagpapakabusy ako. Pero naiisip pa rin kita dati kahit na may away kayo. Napaisip ako kung iniisip mo rin ba ako pero tingin ko hindi. iniisip ko kung sa akin ka nag-open nun, magiging sobrang close ba tayo? pero hindi nangyari yun. si kavin ang True friend ko. siguro kaya kay kavin ako napunta kasi alam ng diyos na kahit onti, inaalala ako ni kavin. ramdam ko, kavin cares for me. nakita na nya akong umiyak dahil sayo. sya din ang nagsabi sa akin na magmove on na. dati di ko kayang gawio yun kasi sobra kitang mahal. ikaw ang una at huling tao na nasa isip ko. di ko lubos maisip kung bakit ba kita minahal.
Alam mo ba kung ano ang mga ginawa ko para makapag move on? simple lang, inisip ko ang mga magagandang bagay na nangyari sa atin. alam ko di na tayo gaya ng dati. namimiss ko ang pagkiss ko sa pisngi mo, si eugo, ang pagiging late mo, ang ngiti mo, ang boses mo, ang mga pangarap mo, IKAW. alam mo kung kelan ko naramdaman ang paglelet go? nung nagseselos ako nun kay nicole. hehe. ambabaw. sana pala tinuloy ko nun kasi ngayon, alam kong malalim na. mahirap na. bumabaon na. pero kinakaya ko. tinutulungan nila ako eh. at paonti onti, nakakapagmove on na ako.
sana kaibigan pa rin ang turingan natin. walang magbabago. kung meron man, eh yun ay di na kita malilibre. hahahahaha.
so ayun. another love has come and gone. no, andun ang love as a friend.
Till then. no more I love you muna.
3/5/11
Wala na
Posted by La-la-i-ne at 23:25
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment