BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

2/28/11

Mark Kavin Orocay Amante (ver. 2.0)


(oh look at him. he looks like a porn star. JOKE!)

Dahil sa nag iinarte si kavin, may bagong post for him. Detalyado. Di ko mapapangako kung mas mahaba to kesa kay hansel pero one thing is for sure, galing to sa puso ko. ayie. pagsamahin yung unag post tas eto, pre, mahaba na to para sa iyo

eto na, nagkakilala kami ni kavin dahil sa g1 at kay thea. ayon kay kavin, nakilala nya daw ako nung kasama sya ni andre para kausapin si thea about sa JMP. tas ako naman, forever friendly, bigla ko daw syang kinausap. sabi pa nga nya sa sarili niy eh FC daw ako. nyemas ah hahahahaha. tas nagulat na lang din talaga ako nung nagpapalitan kami ng knock knock jokes tas yung AGUA OXINADA na tawagan namin. gulat si atashi! hahaha tas nung summer naging constant yung communication namin.

eto pa ang bongga, nahulaan nya na may gusto ako kay hansel. malakas ang radar nyan. tas naging close pa kami dahil sumama sya samin ni hansel nung summer after nila magtraining pag dumadalaw ako dun.

actually itong si kavin eh napaka-straight forward na tao. ayaw nya ng paligoy ligoy. gusto nya deretsahan para masaya. A rare trait of guys in our age. He will say everything on his mind. kaya di nako nagtaka kung bakit ang dami nyang nakakaaway. Hehehehehe

magaling pa yan sumayaw. anlinis gumalaw. pag nagdodoings nga sila sa kanya ako nakatingin eh. oooppppsssssss. hahahahahahaha. tas minsan na-BI ko yan na wag ng pumasok para makagala kami. im so bad. charot! tas ayun, nananatili syang isang sa mga best boy buds ko. woohoo. grabe yan.

Isa sya sa mga trustworthy friends ko. Lahat ng hinanakit ko sa buhay eh sinasabi ko sa kanya. Yung mga hinanakit nya sinasabi nya sa akin. Minsan ang taong di mo inaasahang magiging kaibigan mo ay sya rin palang magiging best boy bud mo. Si kavin ang taong sasabihin sayo ng derecho lahat ng bagay.

Pero kung akala nyo walang problema ang taong ito, nagkakamali kayo. Napansin ko sa kanya, dinidibdib nya ang lahat. Eto naman ako, comfort pillow nya. Pero nakakatuwa kasi sa dinami daming taong pwede nyang kausapin about that matter, ako ang napili nya. aww. natats ako. hahahahahaha.

lagi nyang sinasabi sa akin na magmove on na ako kay hansel. siguro alam nyang masasaktan lang ako pag tinuloy ko pa ito. alam mo, nagyon ko lang to sasabihin, salamat kavin kasi nadadama ko yung kaengotan ko pag ikaw ang nagsasabi sakin ng mga ganyang bagay. salamat sa concern bords. pero ito lang talaga, mag-aral ka naman ng mabuti. hehehehehehe.

Isang taon na pala kitang kaibigan. Andami ng nangyari satin. Mula sa G1 at sa nanay mo. I enjoyed every minute of it. salamat at naging kaibigan kita. Di ko talaga inaasahan lahat ng ito. salamat talaga. Ikaw talaga ang true friend ko.

Ito lang ang masasabi ko sayo. We don't need to rush things right now. Alam kong alam mo ang ibig sabihin ko. maraming pwedeng mangyari at right now, chill chill lang dapat. ok? I love you sir kahit alam kong nandidiri ka twing maririnig mo to galing sa akin. bwahahahahahahahaha. burn in hell a-hole! joke lang.

0 comments: