Dahil summer at wala akong magawa, iisa-isahin ko mga kaibigan ko
First, ang EpPorr (Khaye, Mae at Yvonne)
Sila talaga ang mga bestfriends ko. Dami na kaya namin pinagdaanan, lalo na kami ni khaye eh since 6yrs old kami eh magkaibigan na kami. dami naming tawanan, iyakan, tampuhan at gaguhan na pinagsaluhan. ngayon, alam kong di na tayo masyado nagkikita pero hoy, summer na! magpakita nga kayo sa akin. alam ko na may mga BF na kayo pero una kayong naging akin. wahahahahaha!
Second, ang GrooveOne
grabe, halos lahat ata dyan eh mga kaibigan ko. nakasyaw na nga ako sa kanila eh. hahahaha! nakakatuwa ang treatment nila kasi one big family at turingan. uhmm, di ko na kayo iisa-isahin. nakakatamad. wahahaha. basta I LOVE THEM. muah!
Third, Ang Buklod/GLIFE
(wala kasi yung COMPLETE kami. toh na lang muna)
ay imba toh. mahaba habang post to for them hahahaha! bakit daw buklod? pasimuno nyan sina kavin eh. kasi dati parang may proposal na gawing political organization ang AKADEME, parang Sa BUKLOD nga ng UP. hence, tinawag na kaming buklod ng ibang taga g1. hahaha. grabe pinagsamahan namin. di ko nga namalayan na lumalaki na pala ang circle namin. andami namin eh. hahaha. kay May muna tayo ang dakilang kaibigan ko wahahahaha. sya ang laging nandyan para asarin ako. wahaha. joke, andyan sya pag kailangan ko ng maiiyakan, matatawanan. nakakatuwa nga kasi lalong tumutibay ang pagsasamahan namin sa buklod eh. mahal na mahal ko tong mga toh. di ko sila pagpapalit kahit kanino pwera sa isa. si tf... wahahaha
Save the best for last... Si Mark kavin Orocay Amante aka True Friend
(wag ka ng mag-inarte. matangkad kang tignan dito)
nako, ilang beses ko bang uulitin sa inyo na nakakaasar ang ugali nito? haha. JOKE! itong taong to di ko alam nung una kung isnabero o patay na bata lang eh. pero once na nakilala mo na sya, grabe sasabog utak mo sa kagaguhan nya. wahahahaha. andyan sya pag kelangan ko ng kausap. nakikinig sya sa akin kahit minsan eh paulit ulit na. he's willing to give time and effort kung kelangan mo. he is my one true friend. masyado nga akong na-flatter sa blog nya about sa akin. take note, english yun ah. dinugo ata sya nun habang tinatype nya yun eh. wahahahahahahah baaaaaddd. sige na, ikaw na SMEXY and youve got some SWAG. wahahahahahahahaha. nung minsan nga nagkakwentuhan kami, i fell like ive known him before. weird but true. yun ang naramdaman ko talaga. siguro ganun kung magkaibigang tunay. wahahaha. lalim nun sir.
so there. ang mga taong nagbibigay lungkot at saya sa masabaw kong buhay. di ko alam ang gagawin ko pag wala sial.
3/30/11
Mga Kaibigan
Posted by La-la-i-ne at 12:38
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment