Alam nyo twing nakakakita ako ng matatandang bading, naaawa ako para sa kanila. Di ko alam kung bakit pero twing nakakakita ako ng ganun, di ko mapigilan ang mapaisip para sa kanila. Alam mo yung baka nagiisa sila sa buhay kasi nga ganun tas parang nagsusurvive na lang sila para sa sarili nila. Alam mo yung mapapaisip ka na may anak kaya sila? O di kaya pamangkin?
Feeling ko nagtrigger yon nung may nabalita dati na isang matandang bading sa parada ng Nazareno. I was like "ay, kawawa naman sya. he's there to show his faith tas namatay pa sya". Given na matanda na sya, anlakas ng pananalig nya sa Diyos. Totoo ngang Religion has no gender. Suck that, Miriam Quiambao! Tas may mga kilala rin akong matatandang bading na mas may sense pang kausap kesa sa mga kaedad ko. weird pero in a good way.
Tsaka I have a soft spot sa matatandang tao. Naalala ko tuloy nung nasa Mcdo kami, may nakita akong old man na kumakain magisa. OO nakakaawa sya nun. Alam mo yung uugod ugod na sya tas mag-isa pa. I was waiting na baka inaantay nya misis nya o mga apo nya pero naubos na nya ang food nya at paubos na rin yung akin eh walang dumating. Sabi ko na lang sa sarili ko "ok to ah. baka malapit lang ang bahay dito sa Katip." pero kung makikita mo lang yung itsura ng mukha nya baka mapa aw ka lang.
Maybe kaya ako ganto kasi di ako laki sa lolo at lola unlike my older sibs na nakaranas ng alaga ng lolo at lola. Ako kasi si mama na nag-alaga sakin nun kaya siguro parang weak spot sakin yun.
Ok babe. Ito na lang muna.
5/6/12
My thoughts
Posted by La-la-i-ne at 20:39
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment