Kahapon, pinanuod ko ang 3 Idiots. Tungkol 'to sa magkakaibigang sina Fahren, Raju at Rancho. Nag-aaral sila sa isang prestigious Engineering school. Pretty much about life, family, friends, acads, dreams and love. Naiyak lang ako sakanila at natawa na rin. Super. Nakakarelate nga naman ako diba kasi nga may mga pressure sakin then I do have dreams for myself.
Life. They are dealing with the society. Ang Caste system sa India. Sa tingin ni Rancho, hindi sila nag-aaral para matuto, nag-aaral sila para makakuha ng degree. He wants to defy everything. Takot naman sa future si Raju kasi syua ang inaasahan ng kanyang pamilya at naprepressure naman si Fahren kasi gusto ng tatay nya na maging engineer sya.
Friends. Naging magkakaibigan sila dahil sa kanilang kakaibang persona. Fahren is your typical yes man. Raju naman ay super mapamahiin at si Rancho naman ay happy go lucky. Sa school nila ang daming kakaibang tao. Andyan si Chatur na over achiever. Si MM na alipin ng school at ang Prof nila na tinatawag nilang Virus na super traditional.
Acads. My god. Habang pinapanuod ko 'to nakakarelate ako. Kasi naman totoo. Yung mga prof they are saying what is in the book but are they really teaching what's in the book? Sounds cliche? Nah. Tsaka yung mga prof na grabe sa estudyante. Yung halos papatayin ka na tsaka yung papipiliin ka. I feel sorry for Virus kasi he was stuck on stereotyping students. Tsaka natawa ako sa "This is college. Not a pressure cooker". Agree? Haha
Dreams. Everyone has dreams or atleast one. Nakakainspire si Rancho kasi kaya sya pumapasok kasi gustong gusto nyang mag-aral at hindi dahil para pumasa lang. Kasi sa nangyayari satin ngayon(oo, idadamay kita. wag ka ng magkunwari), nag-aaral tayo makapasa then wala na. Fahren decided to pursue his dream to become a wildlife photographer. Raju became a successful Engineer and Rancho became a scientist.
Love. Nakaktuwa lang yung love story nina Rancho at Pia. After ten years inlove pa rin sila. Tsaka if your fiancee is an ass, iwanan mo na. If he/she keeps saying the brand and price of something, he/she is not worth of your time. You don't want to be a trophy by his/her side.
Tsaka dito pala nagsimula ang mantra naming. . .
Aa izz well
4/6/12
That Bollywood Film
Posted by La-la-i-ne at 01:23
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment