(Warning: magdrodrop ako ng names. Hahahaha)
Nagsimula ito nung Sunday afternoon. Habang nakaOL ako sa FB, Bigla akong chinat ni Hansel. I was like, OMG!!!!!! whut izz happening?. Nagthank you sya kasi binati ko sya nung bday nya. Tas he said na di na daw kami nagkakausap. Sabi ko nga Oo nga eh tas nagset kami ng araw at oras kung kelan kami maguusap. Eto na, Monday afternoon nagtext sya na anong oras kami magkikita eh since mag aalas sais na ng gabi nun, sabi ko mga six na lang, sa may s'mall. Nung nagkita na kami, pareho kaming nangiti. Bongga! Boom! Alem neh. Tas naghanap kami ng lugar kung saan kami makakapag usap. Tas nung nagkausap na at nagkaliwanagan. Ok na. Bati na kami. Ansaya kaya kasi parang walang nangyaring gap sa amin. Pinuntahan pa namin ang kaibigan naming si Nokai. Grabe namiss namin sya. Di na nga kami nagtagal sa kanila kasi pupunta pa kami sa bahay nina Hansel. Pinakain lang naman ako ni Hansel ng Pancit canton. Yum! Tas nagkakwentuhan pa kami ng bongga. Para ngang wala akong balak umuwi nun eh. Sobrang bitin kami. Napagkwentuhan namin ang nalalapit nyang pag-alis. Syempre semi nalungkot ako kasi alam kong matagal kaming di magkikita pero happy din naman ako kasi makakasama na nila ang papa nila. So ok lang. :D. May ipapamana nga sya sa akin eh. At magha-hire ako ng lawyer para sa custody ni Eugo. hahahahahahahaha! Ito pang malala, NAIWAN KO PAYONG KO SA KANILA. asdfghjkl! Pakibalik nga! Hahahahahaha!
Basta ang alam ko, we are ok. Wala ng hard feelings kasi nagkapatawaran na kami. Kala ko nga wala syang paki sa akin eh. Yun pala meron. HIHIHI. Chos! Buti na lang di pa huli ang lahat. Akala ko nga di na kami makakapag usap kasi di naman kami nagkikita unlike kami ni Kavin na isang sutsot lang namin eh magkikita na kami. Kasi ako di nagtrtraining so talagang wala kaming oras na makapag-usap. Talagang namiss ko sya.
Happy na talaga ako.:D
5/10/11
I know we are Ok.
Posted by La-la-i-ne at 10:17
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment