BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

12/28/11

Oh silly you

Whaddup?! Sorry wala pa yung Vlog. Nagiisip pa ko ng sasabihin ko dun eh. For the mean time, pagtiyagaan mo muna ito.

Kakatapos lang ng pasko tas malapit na ang new year. Andami kong pinagdaanan ngayong taon. Yung First quarter ang pinakamahirap sakin. Kasi ito yung panahon na nagkaproblema ako sa mga kaibigan ko pati ang grades ko nanelikado nun. I know it was a rough start pero kinaya ko lahat. Yung 2nd quarter was ok. Kahit na-grounded ako dito sa bahay buong summer eh nagkabati naman kami nun ni Hansel pero nalaman ko rin na aalis na sya. May halong saya at lungkot pero ok lang. 3rd quarter was a blast! Kasi nanalo ang Akademe! Oye oye! Tas dito rin sa quarter na to nagmigrate si Hansel. Tatatak talaga ang Aug 2 sa buhay ko. Last quarter is so awesome. Nalaman kong pasado ako sa lahat ng subs ko. Nagawa ko ang dapat gawin. At. . . . Naranasan kong magtrabaho ng wagas sa council. Pero dito rin biglang naglaho si May na parang bula. Nakakalungkot lang isipin kasi namimiss na namin talaga sya.

Maraming nangyari sakin ngayong 2011. I know, ngayong paparating na 2012 marami na naman itong experience

12/25/11

V-Log

Since di ko paexpress sa words ang mga nararamdaman ko (which explains bakit maiikli ang posts ko). Itratry ko naman ang VideoBlog o V-Log.

Humanda na kayong makinig, manuod, mairita, maaliw at maki-WTF sa mga ihahandog ko sa inyo.

Keep reading pa rin kasi most of my posts are STILL type-written (siguro report).

You did what?

Ayan. Kasi sa sobrang "care" mo sa kanya, nasaktan ka tuloy. You don't even mean the world to him. Kaibigan ka lang nya. Hanggang dun na lang. Don't ever expect. Accept the fact that you've been in FRIENDZONE.

Baby, it's cold outside.

Pasko na! merry Christmas and it is really cold outside kaya andito ako ngayon sa kwarto ko.

I've been listening so much modern Xmas songs. Hahahahaha!


12/23/11

Teehee!

Hi there! Di na ako busy. Oh yeah rock it!

Oh malapit na ang pasko.

I would like to thank My Family for nurturing me. Teaching me how to value everything around me. Aaminin ko, kaya naman nila akong ispoil pero di nila ginawa yun. Alam nila na di dapat maging materialistic ang isang tao sa kanyang buhay. I love them so much.

Sa mga BFF kong sina Khaye at Yvonne. Mehgad girls, Nakakaloka ang taon na to lalo na kay Khaye pero naging matatag tayo. Kahit di na tayo masyado nagkakasama alam nyo namang mahal na mahal ko kayo.

Sa Akademe team. We made it this far. Pero alam ko may mga differences pa rin tayo pero di ba nga ang isang pamilya talagang pinapatibay ng mga pagsubok. Kayo ang dahilan kung ano ako ngayon sa PSBA. Hahaha!

Sa super awesome na G1. sayang, di ako nakasama sa compet team. Di rin ako nakasama sa iba nyong sayaw. Alam ko naman sa sarili ko na gusto kong sumayaw pero may mga inevitable circumtances lang tayong nararanasan. Hayaan nyo, I'm still your biggest fan, literally. hahahahaha!

Lastly, halatang may special treatment kasi TF, kay Kavin. Akalain mo yun. Magiging True friend kita at magiging Comfort Pillow mo ako. Hahaha! I'm so blessed kasi ikaw ang kaibigan ko nung nahihirapan na ako sa lahat. alam mo yan. Di mo ako iniwan. Inunawa mo ang pagkabaliw ko. Nagpasensya ka kapag nabobobo ako. You always make me feel wanted. Parang may spot na talaga ako sa buhay mo. sana ganun din ako sayo.  
Nakakatuwa lang isipin na tae ikaw ang kaibigan ko. WEH? hahahahahahah!

Yun lang. hahaha. Merry Christmas. :D

12/20/11

Xmas Vacation

Time check brought to you by me. It's 3:05am on the clock and I don't feel sleepy. Maybe because I'm still here on the web world, browsing and looking for something interesting. Plus the fact that it's Christmas break and my body knows that I don't need to sleep early. Scumbag.

How are you? I'm fine. Totally. Di lang halata. Christmas is fast approaching and parang wala lang sakin. siguro sa dinami dami ng ginawa ko eh napagod na akong maexcite. Siguro kung may matatanggap akong regalo baka ma-thrill pa ako,

Gusto ko lang magrant. Kasi may isa akong "dating kaibigan". Ewan ko kung if he/she stills considers me as his/her friend. Pero gustong gusto kong magkaayos at magusap kami. Para happy na. Kahit sa maliliit lang na gestures, basta malaman ko lang na ok na talaga kami. Ako pa naman yung tipo ng tao pag sa tagalan eh di makayanan.

Nakupo! Bakasyon nga pala. Meaning broke as fuck na naman ako. Walang pera period.

I know it's Christmas so I refrain myself posting some neggy (negative) posts. Kaya pansinin nyo, hanggang sa de 31, puro masasayang posts lang nandito. Next year na kayong mag asam ng neggies. Hahahahah

Happy Yuletide season!

12/18/11

These are a few of my favorite things

Hugs. I love hugging people lalo na pag stress ako. I just need some human interaction. Kaya naaappreciate ko ang yakap ni Kavin nung last year's Cultural Night at this year's Ms. PSBA.

Food. Halata naman sakin diba. Hahahaha!

Shirt, Jeans and Sneaks/Flip-flops. Everyday look ko yan. Tas ponytail o blow-dried hair. Yun pasok sa banga. Kelan lang naman ako natuto magmake-up ng matino eh. Oh yeah, nude lipstick will do the trick or really dark red lippie.

Free stuff. Tipong bigay lang talaga.

Good music. From Pop to RnB. From The Beatles to Justin Bieber. I love it.

Smile. Nakakauplift lang ng emotions lalo na yung biglang tawa. Oh feel so good.!

May TV Premiere ng concert ni Lady Gaga sa ETC. Must watch it.

PSBA 31st foundation week

Natapos din ang foundation week sa school. GRABE! Puyatan kung puyatan. Sobrang pagod pero worth it.

Part ako ng Miss PSBA. I was the Floor Director pero due to some circumstances I have to decline it pero naging stage manager naman ako with Jovhen. WOAH. Hahahahaha.

Semi napamura lang ako kung gaano kagago yung L&S namin. Pero ok naman. Maganda ang results.

Nakakatuwa lang kasi nung before magstart ng event, nagkita kami ni Kavin sa 2nd floor. Tas nilapitan ko sya. sabi ko " i need a hug". Tas niyakap ko sya. It was a 15-second "comfort" hug. Sabi pa nya "goodluck". Tas parang takot na takot ako kasi hinihingal ako. Pero dun lang ako nakadama ng comfort kasi puro pressure at stress ako nun.

Salamat talaga sa lahat. That was a WTF experience. Hahahahaha.

12/11/11

Things left unsaid

Ola everyone! I'm back. Well, weekly naman ang update ko. Super busy lang. I'm co-directing Ms. PSBA. Wahahaha. Floor director lang naman. Chos. Hahaha.

As for the titile, ilang ulit ko na tong sinasabi dito. May mga bagay talaga na di ko masabi. Di ko alam kung bakit. I know ayokong pang umamin pero baka. . . .BASTA! Nalilito ako.

Oh it's December already. Last month for this year. Ambilis ng panahon.

12/4/11

Too much info

Kelangan kong magrelax. Nagkakasakit na ako. I don't feel well. Pero sana wag akong lagnatin.

Shet. Kelangan ko pang gawin ang eche bureche shete. Hahaha!

Natawa ako sa friendly game ng Azkals vs. LA Galaxy. Panis ang Azkals. Beckham, bakit parang andali lang sayong sumipa?

Napanood ko yung sa Coca-cola. Naiyak ako. Naalala ko yung tita kong nasa USA pati narin si Hansel.

Papahinga muna ako.

Friendzone

Do you ever get the feeling he is just not that into you? Maybe some yes but for me, all of the time. Ang Friendzone ay isa pang term para sa sikat na phrase na "magkaibigan lang kami". It's weird yet cliche. Talagang may mga bagay na dapat iconsider. Sabi nga nila sa Love, the half of it is timing and the other half is luck.

Semi natawa ako nung nakita ako ni Coach Aye nung training nya para sa G1. Alam nya pala pangalan ko. Hahahahaha! Tas bigla nyang naalala si Hansel. Speaking of, kamusta na kaya sya dun? White Christmas na sya! Hayep naman. Hahahaha. Nakakamiss nga sya. Di ko inexpect yung last year. Yun na pala ang una at maybe huli mong pagdalaw sa bahay namin pag Pasko. Namiss lang kita. Haha

Dahil magpapasko na, I'm currently listening to JB and MC's All I Want for Christmas is You. Wahahahahaha.